Lalaki, Patay sa Hampas ng Barbero!

1720

*San Mariano, Isabela- *Patay ang isang lalaki matapos hatawin ng barbero pasado alas otso kagabi sa Brgy Zone 1, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rosito Limbauan, 40 anyos, walang asawa at trabaho, habang ang suspek na pinaghahanap ng mga otoridad ay si Jeremy Magas, 27 anyos, may-asawa at kapwa residente ng Brgy. Zone 1, San Mariano, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nakainom umano ang biktima nang bigla nitong hatawin ng kahoy ang ulo ng suspek na dahilan para dumepensa ang suspek.

Kinuha ng suspek ang kahoy na hawak ng biktima at saka ipinalo ng maraming beses sa ulo ng biktima.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente at dinala naman sa pagamutan ang biktima matapos magtamo ng malalang sugat sa ulo subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP San Mariano hinggil sa naturang pangyayari habang nananatiling atlarge ang tumakas na suspek na si Jeremy Magas.

Facebook Comments