Lalaki, patay sa Malaybalay City matapos pagtatagain ng nakainumang senior citizen

Patay nang nadatnan ng pulisya ang 45-anyos na lalaki matapos tagain ng nakainumang senior citizen sa Barangay Zamboangita, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang biktima ay kinilalang si alyas “Wardo”, habang ang 68-anyos senior citizen na suspek ay kinilala bilang si alyas “Tony”, na pawang mga residente sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, nag-iinuman ang dalawa nang bigla silang nagkainitan.

Doon na kumuha ng itak ang biktima at tinaga ang haligi ng bahay ng kanilang pinag-iinuman.

Sa takot ng suspek, dahil na rin sa sinabi umano ng biktima na marami na itong napatay sa mga nagdaang panahon, inunahan niya na umano ng taga ang biktima.

Nagtamo ng sugat ng pananaga sa leeg, tiyan, at sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nasa kustodiya naman na ang suspek na posibleng humarap sa kasong ‘homicide’.

Facebook Comments