LALAKI, PATAY SA PAGKALUNOD SA SAN MATEO, ISABELA

Cauayan City – Nasawi ang isang lalaki matapos malunod sa ilog ngayong araw, ika-10 ng Nobyembre, sa Brgy. Mapuroc, San Mateo, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Christian Columbino, 21 anyos, residente ng Brgy. San Roque, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa San Mateo Police Station, pasado alas onse ng umaga ngayong araw ng makatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nangyaring insidente.


Batay sa kanilang inisyal na pagsisiyasat, una rito ay namimingwit umano ang biktima sa ilog kasama ang kanyang 10 taong gulang na pamangkin nang mapagpasyahan nitong lumangoy at maligo sa ilog.

Habang naliligo, nagtungo umano ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at dito nga ay bigla na lamang itong nalubog sa tubig at hindi na nagawang makaahon pa.

Kaagad namang nagsagawa ng retrieval operation ang mga awtoridad at bandang ala-una ng hapon ngayong araw ay natagpuan rin ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments