Lalaki, patay sa pamamaril ng riding in tandem sa QC

Patay ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ni Police Staff Sergeant (PSSG) George Caculba, imbestigador ng Police Station 6 ang biktima na si Christian Porio , 23, residente ng No 22 Kasiyahan St, Brgy Holy Spirit, Quezon Ciy.

Ayon sa parking attendant na si Emily Lim, nakarinig siya ng sunod sunod na putok ng baril sa Holy Spirit Drive kanto ng Don Jose St, Brgy Holy Spirit, Quezon City.


Nang silipin niya ang lugar na pinanggalingan ng putok, nakita niya ang nakahandusay at duguang biktima.

Ayon sa ibang saksi, mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo ang dalawang katao na nakasuot ng crash helmets matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang.

Facebook Comments