Lalaki, patay sa pamamaril sa Cebu City

Cebu – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Punta Princesa, Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Ranilito Jaguros na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tainga.

Kwento ng kasamahan ng biktimang si Victor, pauwi na sana sila mula sa kanilang trabaho nang bigla na lamang siyang nakarinig ng putok.


Paglingon niya ay doon niya nakita na nakahandusay na si Jaguros.

Aniya, dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang bumaril kay Jaguros.

Ngunit hindi aniya niya namukhaan ang mga ito dahil agad na tumakas ang mga suspek mula sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pamamaril.

Facebook Comments