Lalaki patay sa pamamaril sa Kabacan North Cotabato

26

Isang lalaki ang patay ng pagbabarilin sa bayan ng Kabacan sa lalawigan ng North Cotabato kagabi. Kinilala ang biktima na si Abdul Rasid , 40 anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Sa report ay pauwi na ang biktima sa kanyang tahanan ng itoy abangan at barilin ng hindi pa nakikilalang salarin. Naisugod pa ito sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Kabacan Pnp sa insidente. Ano kaya ang motibo sa pamamaril?( Amer Sinsuat)

Facebook Comments