Lalaki patay sa pamamaril sa Pigcawayan

Hindi na umabot pa sa ospital ang isang 36 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals pasado alas otso kagabi sa Poblacion 2 , Pigcawayan, North Cotabato .

Kinilala ni Pigcawayan PNP Chief of Police PCI Realan Mamon ang biktimang si Bonrio Juance Espenosa residente ng nasabing lugar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon , nasa loob umano ng karenderia ng kanyang kapatid ang biktima ng pagbabarilin ng riding tandem criminals sakay ng kulay itim na honda XRM 125.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang 3 basyo ng bala ng kalibre 45 pistol, habang nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa nasabing kaso.
Mas lalo pang hinigpitan ngayon ng Pigcawayan PNP ang kanilang pagbibigay seguridad sa kanilang buong AOR.

Facebook Comments