Pasay City – Patay ang isang 22-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. 66, Pasay City kagabi.
Nakilala na si Ricardo Claudio Jr. residente ng Tramo Brgy. 98, sa nasabing lungsod.
Alas 8:54 makikita sa kuha ng CCTV camera na namamasada ang biktima kasama ang 5-6 taong gulang na anak na babae nito sa A.D Hidalgo kanto Lakandula nang hintuan ng riding in tandem.
Kasunos nito, pinagbabaril na ang biktima.
3 motorsiklo ang salarin na lahat ay may mga back ride.
Agad naming nakatakas ang mga suspe na hindi nakilala.
Patuloy naman ang imbistigayon sa nasabing krimen.
Facebook Comments