Lalaki, Patay sa Pananaksak!

100

*Cabagan, Isabela-* Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang kabarangay bandang alas singko y medya ng hapon sa Casibarag Sur, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ambrosio Gatan, may asawa habang ang suspek ay si Mateo Mamauag, 67 anyos na kapwa residente ng Brgy Casibarag Sur, Cabagan, Isabela.

Sa inisyal na nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nakatanggap na tawag ang himpilan ng PNP Cabagan kaugnay sa nangyaring pananaksak sa biktima na agad namang nirespondehan ng mga pulis.

Agad namang naaresto ang suspek sa lugar habang binawian din ng buhay ang biktima nang ito ay dalhin sa pagamutan.

Nasa pag-iingat na ng PNP Cabagan ang suspek maging ang ginamit na patalim para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Inaalam rin ng mga otoridad ang dahilan ng nasabing insidente.

Facebook Comments