Lalaki, Pinagbabaril ng Riding in Tandem

Cauayan City, Isabela- Pinagbabaril ng riding in tandem ang isang lalaki habang sakay ng kuliglig sa kahabaan ng Brgy. Baran, Ballesteros, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Larry Mendoza, 35 anyos, may asawa, trabahador at residente rin sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 6:00 kagabi habang bumabaybay sa lansangan ang biktima lulan ang minamanehong kuliglig kasama ang kanyang live in partner ay biglang dumating ang mga salarin na sakay ng motorsiklo.


Bumaba ang backrider ng motorsiklo at binaril ng maraming beses ang biktima.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima para mabigyan ng atensyong pang medikal habang tumakas naman ang mga hindi pa matukoy na suspek.

Kasakulukuyan pa ang isinasagawang imbestigasyon at hot pursuit operation ng mga otoridad para sa agarang pagkakahuli ng mga suspek.

Facebook Comments