Lalaki pinagbabaril ng riding-in-tandem sa loob ng basketball court patay sa Q.C.

137

Patay agad ang 38-anyos na si Jeffrey Villanueva matapos pagbabarilin sa loob ng isang covered court sa Barangay Veterans Village, Quezon City.

Ayon sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, tama sa ulo at katawan ang tinamo ng biktima na nakasuot pa ng pang-basketball.


lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pinasok ng isa sa lalaking nakasuot ng itim na jacket at naka-helmet saka pinaputukan ng ilang beses si Villanueva bago tumakas sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Isang nanonood lamang ang tinamaan at nadaplisan din ng ligaw na bala.

Inaaalam pa ng qcpd kung may kinalaman sa pagiging dating barangay tanod ng biktima ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments