Lalaki pinagbabaril patay ng riding in tandem sa bayan ng Kabacan North Cotabato

Panibagong kaso ng pamamaril ang naitala sa sitio Lote barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan sa lalawigan ng North Cotabato. Kinilala ang naging biktima na si Allan Salik, 37 anyos may asawa residente ng barangay Kayaga , Kabacan. Ayon sa report ay pauwi sa kanyang tahanan ang biktima sakay ng minamanehong Bajaj motorcycle ng lapitan ng riding in tandem. Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos maisagawa ang krimen.
Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ng buhay.
Noong nakaraang linggo ay isang lending collector ang pinagbabaril din sa brgy. Banggilan sa bayan ng Kabacan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments