Lalaki, Pinagbabaril sa Cabagan, Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas nuebe kagabi sa Brgy. ISUC Garita, Cabagan, Isabela.

Sa inisyal na impormasyon na natanggap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), kinilala ang biktima na si Melchor Cureg, 39 anyos, at residente ng ISUC Garita, Cabagan, Isabela.

Base sa imbestigasyon ng PNP Cabagan, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang himpilan mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nangyaring pamamaril sa biktima.


Agad naman itong nirespondehan ng pulisya at dinala sa Milagros Albano District Hospital ang biktima subalit inilipat din sa Cagayan Valley Medial Center sa Tuguegarao City para sa karampatang lunas.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek sa naturang insidente.

Facebook Comments