Lalaki pinagbabaril sa loob ng bahay sa Q.C, patay

156

Manila, Philippines – Agad na nasawi ang drug pusher na si Ronaldo Rivera, 43-anyos, isang Mekaniko, matapos pagbabarilin ng mga di nakilalang suspek sa St. Vincent, Brgy. Holy spirit, Quezon city.

Ayon sa pulisya, kumatok muna ng malakas ang nasa 3 hanggang 4 na suspek na pawang nakatakip ang mukha at nagpakilalang mga taga -barangay.

Ngunit nang pagbuksan ito ni Rivera, agad syang pinagbabaril ng mga suspek na mabilis na tumakas patungo sa di malamang direksyon.


Ayon sa mga tauhan ng barangay nasa kanilang watch list si Rivera na kilalang gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga.

Narekober sa crime scene ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Facebook Comments