Lalaki, pinagmulta matapos umutot nang malakas malapit sa mga pulis

Sinampal ng multang 500 euro (nasa P28,000) ang isang lalaki sa Austria matapos umanong umutot habang sinisiyasat ng pulisya noong Hunyo 5.

Naiulat na pinandigan ng Vienna police na nararapat lang ang nasabing multa dahil sinadya umano ng lalaki na iangat ang kanyang puwetan sa pagkakaupo at magpasabog ng malakas na utot.

Inireklamo ng akusado ang aniya’y malaki at ‘di makatwirang halaga sa isang panayam sa O24 news.


Tumugon naman ang sangkot na pulisya sa Twitter na nagsabing tila nang-iinis at hindi nakikiisa ang lalaki noong nangyari ang insidente.

“He slightly raised himself from the bench, looked at the officers and patently, in a completely deliberate way, emitted a massive flatulence in their immediate proximity,” paliwanag ng awtoridad.

Sinabi naman ng pulisya na maaaring ireklamo ng akusado ang multa sa ligal na pamamaraan.

Facebook Comments