Lalaki, pinagpapalo ng bote habang natutulog

Caloocan City – Duguan at nasa malubhang kalagayan ang isang lalaki matapos pag papaluin ng bote at iba pang matitigas na bagay sa Hito St. Dagat Dagatan Extention Caloocan City kagabi.

Nakilala ang biktima na si Edgardo Soria isang empleyado ng machine shop.

Ayon kay Francis Azajar natutulog lang ang kanyang tauhan sa harap ng binabantayang gusali ng salakayin ng isang pamilya alas diyes kagabi.


Hindi pa batid ang tunay na ugat ng alitan pero sa pagkakaaalam ni Azajar bagong lipat lang ang mga suspek at nagsisigasigaan ito sa kanilang lugar.

Kumikilos na ang Caloocan pulis para damputin ang mga suspek at para pagpaliwanagin kung bakit nila sinaktan ang isang lalaking natutulog lamang.

Facebook Comments