Lalaki pinagpapalo ng paso ng halaman sa Pangasinan, patay

Patay ang 55 taong gulang na lalaki sa barangay Bantayan Mangaldan Pangasinan matapos pagpapaluin umano ito ng paso ng halaman.

Kinilala ang nasawi na si Fidel Pediglorio. Sa imbestigasyon ng PNP Mangaldan, isnag residente umano ang nagsabi sa barangay kagawad ng lugar na nakita ang katawan ni Pediglorio na wala ng malay.

Dalawang sirang paso ang nakita sa tabi ng katawan ng biktima na hinihinalang ginamit sa pagpaslang dito. Itinakbo pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara mg dead on arrival.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa kung sino ang suspek sa nangyaring insidente.

Facebook Comments