Sinuplong ng isang 44 anyos na construction worker ang umano’y pambubugbog at pambabato ng dalawang mangingisda habang pauwi sa kanyang bahay sa Cabugao, Ilocos Sur.
Ayon sa biktima, alas-diyes ng gabi noong February 6 pa umano nangyari insidente kung saan magkasunod siyang binato at pinagtulungang bugbugin ng dalawang suspek habang tinitignan ang pinain niyang alimango sa dalampasigan.
Tinamaan ng bato sa noo at kanang tenga ang biktima at sinubukan pang tumakas ngunit nahabol at binugbog na siya ng mga suspek.
Matapos ang pananakit, tuluyan nang nakatakas ang biktima patungo sa kanyang bahay. Dinala rin sa pagamutan ang biktima matapos ang insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa insidente.
Facebook Comments








