Lalaki, pinatay ang aso ng nanay matapos hindi payagan makipagtalik sa bahay

Napatay ng isang lalaki sa Texas ang alaga nilang aso dala ng sobrang galit matapos hindi pahintulutan ng nanay na makipagtalik sa loob ng kanilang bahay.

Nagsama umano ng babae ang kinilalang si James Garcia, 39, sa kanilang bahay sa San Antonio noong Oktubre 24 at nagpaalam kung puwede itong dalhin sa kuwarto niya.

Nang tumanggi ang ina na papasukin ang babae, binuhat ni Garcia ang asong si Roxy at ibinalibag, 18 talampakan ang layo sa bahay, ayon sa ulat ng News 4 San Antonio.


Agad sumibat sa bahay ang akusado habang isinugod naman sa beterinaryo si Roxy, ngunit hindi na nasagip pa.

Ayon pa sa ulat, sa tindi ng pagtapon sa aso, pumutok ang puso nito at nagdugo hanggang sa mamatay.

Bumalik sa bahay si Garcia habang naroroon pa ang mga pulis na nag-iimbestiga at sinabing hindi niya ginustong saktan ang hayop.

Inaresto si Garcia noong Sabado at nakalaya rin matapos magpiyansa ng $5,000 o P250,000.

Facebook Comments