Lalaki, putol ang daliri matapos kagatin di-umano ng ex-girlfriend

284
(Image from Hartford Police department)

Arestado ang isang babae mula Bloomfield, Connecticut, matapos nitong kagatin di umano ang daliri ng dating kasintahan nitong Linggo, Oct. 14.

Kinilala ang suspek na si Anna Lindo, 34, na sinasabing dahilan ng pagkaputol ng daliri ng biktima saka ipinost sa social media.


Ayon sa ulat ng Hartford Courant, inatake umano ni Lindo ang naturang lalaki habang naglalakad ito sa isang restaurant gamit ang dala-dala nitong ladrilyo para gamiting panghampas.

Kwento ng biktima, una na niyang narinig ang tunog ng sasakyan ng suspek bago pa man niya makitang magpunta ito palapit sa kanya.

Nang ipapalo na umano ng suspek ang dala nito, saka inilabas ng lalaki ang dalang kutsilyo kaya dali-dali raw itong tumakbo palayo.

Ngunit nakaramdam daw ng sakit ang biktima at nang tingnan niya ang kamay, putol na ang gitnang daliri nito.

Agad na isinugod sa St. Francis Hospital and Medical Center ang lalaki para gamutin.

Kaugnay nito, tumawag raw ang ina ng suspek sa Hartfold Police para ipaalam na may nakita siyang daliri sa sasakyan ni Lindo.

Sabi ni Hartfold police lieutenant Paul Cicero, “Due to the complexity of the detachment, coupled with the time-lapse of recovery, the finger could not be reattached.”

Hindi rin daw sila sigurado kung paanong naputol ang daliri ng biktima dahil wala namang dalang patalim ang suspek nang mangyari ang insidente

Kinalaunan ay umamin ito na kinagat niya ang daliri ng ex at saka ipinost sa facebook.

Dito ay pinaliwanag pa raw ng suspek kung paano niya ginawa ang krimen.

Giit naman ng pulisya, balisa raw at hindi mapakali ang suspek nang kinukuhanan ng pahayag na nagtangka na ring magbigti habang nasa naturang headquarters.

Dinala sa Hartford Hospital para sa suriin ang pag-iisip ng suspek.

Humaharap naman sa kasong first-degree assault and disorderly conduct si Lindo at haharap sa korte sa darating na Martes.

Facebook Comments

From Advertisers