Lalaki sa Aglipay, Quirino, Arestado Matapos Manggahasa ng Menor de Edad!

181

*Aglipay, Quirino- *Arestado ang isang lalaki matapos gahasain ang pitong taong gulang na babae sa Purok 3 Brgy. Pinaripad Norte, Aglipay, Quirino.

Kinilala ang suspek na si Alex Baua, tatlumpu’t taong gulang, walang asawa, may trabaho, at kasalukuyang residente ng Brgy. San Benigno Aglipay, Quirino.


Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, nadakip ang suspek matapos makatanggap ng sumbong mula sa ina ng biktima ang PNP Quirino.

Sa imbestigasyon ng PNP Quirino, iniiwan ng mga magulang ang biktima sa pangangalaga ng suspek upang magtrabaho ang mga ito sa ibang lugar.

Napag-alaman din ng kapulisan na noong disyembre pa ginagawa ng suspek ang panghahalay sa biktima at binabantaan umano na papatayin ng suspek ang bata kung magsusumbong ito sa kanyang mga magulang.

Sa ngayon ay nakapiit na si Baua sa PNP Quirino at nahaharap sa kasong Panggagahasa.



Facebook Comments