Lalaki sa Angadanan, Isabela, Huli sa Pag-iingat ng Marijuana!

*Angadan, Isabela- *Natimbog ang isang lalaki matapos masamsaman ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang Search Warrant ng mga operatiba bandang alas otso y medya kaninag umaga sa brgy. Baniket, Angadan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Aldrich Visaya, dalawampu’t isang taong gulang, binata at residente ng nasabing barangay.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, nadakip si Visaya sa ikinasang Search Warrant ng PNP Angadan katuwang ang PDEA matapos masamsaman ng labing apat na stick ng Marijuana na inilagay sa pakete ng kanyang sigarilyo at isang talbos ng hinihinalang Marijuana na nakabalot sa diaryo.


Dinala na sa PNP Angadan ang suspek habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ang kapulisan hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments