LALAKI SA BAYAN NG BOLINAO, PATAY SA AKSIDENTE

Dead on Arrival sa pagamutan ang isang trenta’y-singko anyos na lalaki matapos itong maaksidente sa bayan ng Bolinao.
Ang biktima ay nakilalang si Fred Taguiam Doctor, residente ng Brgy. Germinal sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng PNP, pasado alas-onse ng gabi habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng nasabing barangay nang mawalan ito ng kontrol sa manibela, dahilan upang matumba at nahulog sa kanal.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklara na itong Dead on arrival. |ifmnews
Facebook Comments