Natagpuang nakabitin sa loob ng kanilang banyo ang isang singkwenta’y-otso anyos na lalaki sa bayan ng Rosales.
Ang biktima ay nakilalang si Romeo Licudan, residente ng Barangay Acop sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, bago ito nagbigti ay nag-away muna sila ng kanyang maybahay dahil sa isang babae na tawag ng tawag umano sa biktima.
Hanggang sa nag-inom ito kinaumagahan at nang hinahanap na ito ng kanyang asawa para tawagin na mananghalian, dito na tumambad ang biktima na nakabigti sa kanilang banyo gamit ang isang lubid na itinali sa leeg.
Hindi pa tiyak kung ang kanilang naging away dahil sa babae ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima bagamat ayon sa asawa ay dumaranas din ito ng karamdaman na diabetes at hypertension.
Facebook Comments