LALAKI SA BINMALEY SUGATAN SA PAMAMARIL, SUSPEK AT KASAMA NITO BUGBOG SARADO SA MGA KASAMA NG BIKTIMA

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang trentay tres anyos na lalaki matapos itong barilin habang nakikipag inuman sa bayan ng Binmaley.
Ang biktima ay nakilalang si Joel Lopez residente ng Baybay Lopez sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang insidente pasado alas onse ng Gabi habang nag iinuman sa baywalk ang biktima at mga kaibigan ng dumating ang suspek na nakilalang si Rudy Sison na may kasamang isa pa at agad na binaril si Valdez.

Nagtamo ng gunshot wound ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan habang pinagtulungang bugbugin ng mga kaibigan ni Valdez ang suspek na si Sison habang tumakas ang driver ng motor na ginamit nito.
Isinugod din sa pagamutan si Sison dahil sa tinamo nitong sugat dahil sa pambubugbog habang isinuko sa PNP ang baril na ginamit nito sa pamamaril na isang Caliber 38 Revolver
Bagamat nasa hospital pa ang suspek, nakatakda naman itong sampahan ng kaukulang kaso. |ifmnews
Facebook Comments