Lalaki sa Cagayan, Nakaligtas sa Pananaksak ng Mismong Kapatid!

205

*Cauayan City, Isabela- *Muntik nang malagay sa balag ng alanganin ang isang 63 anyos na lalaki matapos na pagsasaksakin ng mismong kapatid sa Barangay Canayun, Abulug, Cagayan.

Dakong alas 6:30 kagabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar kung saan nakilala ang biktima na si Edgar Tolero, may asawa, magsasaka habang ang suspek ay ang nakababatang kapatid nito na si Edmon Tolero, 53 anyos karpintero at kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Base na imbestigasyon ng pulisya, unang nakipag alitan ang suspek sa isa pang kapatid na nagngangalang Edwin at noong Mayo 18, 2020 ng gabi ay nakipag-inuman ang suspek sa mga kaibigan nito sa tabing-ilog sa kanilang lugar.


Umuwi ang suspek sa kanilang bahay kagabi na may dala-dalang patalim at naghahamon ito ng away habang binabasag ang mga paso ng halaman ng kanyang nanay.

Dito na umawat ang biktima subalit umatake ang suspek at tinangkang saksakin ang kuya nito na nagawa namang makaiwas.

Agad namang naagaw ng biktima ang hawak na patalim ng suspek at inaresto ng mga rumespondeng opisyal ng barangay.



Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments