Timbog ang isang 38-anyos na lalaki sa Calasiao matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang operasyon ng pulisya.
Ayon sa pulisya, habang nagsasagawa ng pagbabantay ang mga tauhan ng Calasiao Police Station sa isang motor show event sa Calasiao Town Plaza, nahuli sa akto ang suspek at isa pang indibidwal na sangkot umano sa ilegal na transaksyon ng droga.
Agad na inaresto ang suspek habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan.
Nasamsam mula sa suspek ang 1.9 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang PhP12,920.00. Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang kasamahan ng naarestong suspek na nakatakas sa operasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









