Lalaki sa California, naaktuhang kinakain ang bangkay ng sariling lola

CALIFORNIA, US – Arestado ang isang 37-anyos na lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis habang kinakain niya ang bangkay ng sariling lola.

Sa report ng isang International news, nagtungo ang awtoridad dakong alas 2:00 pm sa bahay ni Dwayne Wallick kung saan nahuli sa akto na kinakain niya ang 90-anyos niyang lola na si Ruby Wallick.

Ayon sa pulisya, nang pasukin nila ang bahay ng suspek ay agad umano nila itong pinatigil sa ginagawa ngunit lalo raw nitong inatake ang wala ng buhay na ginang.


Nang maipailalim ng mga pulis, agad itong inaresto sa kasong “suspicion of murder”.

Isinugod pa ang suspek sa ospital para umano gamutin ang kanyang mga sugat.

Wala namang inilabas na motibo ng insidente ngunit patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis kung may kinalaman ang droga sa pangyayari.

Facebook Comments