Lalaki sa Cambodia, pinasukan ng linta sa ari matapos maligo sa ilog

1851
(Viral Press photo)

Tagumpay na naialis ng mga doktor sa Cambodia ang lintang pumasok sa ari ng isang lalaki matapos umano itong maligo sa ilog.


Sa report ng Viral Press, nagtungo ang hindi pinangalanang pasyente sa ospital sa Phnom Penh nang makaramdam ng matinding sakit sa maselang bahagi nito habang nagbabanyo.

Isang maliit na camera ang ipinasok sa ari ng lalaki kung saan nadiskubre sa loob ang naturang linta.

Ayon sa mga doktor, ikinuwento ng pasyente na naligo ito sa ilog noong kaparehong araw– rason para makapasok ang linta sa kanyang ari na umabot na hanggang pantog.

Naging kumplikado raw ang ginawang pagtanggal dahil tumaba na ang hayop sa dami ng dugong nasipsip nito.

Napinsala na rin daw ang ilang bahagi ng katawan ng pasyente dahil sa mga ngipin ng linta.

Napabilis ang pagtanggal sa linta gamit ang electric nodes na may cutting tools para mapatay ito at hindi na makapasok pa kung saan.




Samantala, agad namang nakalabas ang lalaki sa ospital matapos ang isinagawang operasyon.

Facebook Comments