Cauayan City,Isabela – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harapan ng isang pagawaan ng motorsiklo sa Don Dacanay Street, San Fermin Cauayan City kaninang umaga lamang.
Sa inisyal na nakalap ng RMN Cauayan sa mismong lugar ay nakilala ang biktima na si Edwin Cadis, limampu’t dalawang taong gulang, may asawa, residente ng Bacolod, Cauayan City ngunit kasalukuyang nakatira sa San Fermin, CauayanCity.
Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala sa katawan ng hindi pa malamang klase ng baril dahil Kasalukuyan parin ang imbestigasyon ng PNP Cauayan City, SOCO team at Rescue 922 sa biktima at sa lugar ng pinangyarihan.
Ayon sa orihinal na asawa ng biktima na si Rowena Cadiz ay galing ito sa San Fermin sa kinakasama nito na dumaan sa Bacolod at magkasama sila na pumunta sa palengke dahil nagtitinda ito ng damit at pumunta naman si Cadiz sa pagawaan ng motor.
Sinabi naman ni Barangay Kagawad Leonard Blas ng Bacolod Cauayan City na nakarating lamang sa kaniya ang balita dahil kasalukuyan umano ang pag-pupulong sa barangay at paghahanda sa regular na flag raising ceremony kaninag umaga.
Samantala, inaalam pa hanggang sa ngayon ang umanoy baril ng biktima na kinuha ng mga suspek at iyon din ang ginamit sa pamamaril.