Lalaki sa China, himalang nakaligtas matapos tamaan ng pana sa dibdib

(Screenshot from Newsflare video)

Himalang nakaligtas ang isang lalaki sa China matapos tamaan ng pana sa dibdib– kalahating pulgada na lang ang layo mula sa kanyang puso.

Sa report ng Newsflare, aksidenteng natamaan ng palaso ng pana si Xiao Peng sa isang crossbow set up sa kanyang bahay noong Hunyo 6 sa Nanning City.

Naiulat na nakuhanan si Xiao na kalmado pang nakatayo habang nakatusok sa kanyang dibdib ang bala ng nasabing pana at pinalilibutan ng maraming tao.


Agad umano siyang naidala sa ospital kung saan sumailalim siya sa mahabang oras na operasyon para matanggal ang nakatusok na palaso.

Sa ngayon ay nagpapagaling na si Xiao na naikuwentong binili niya umano ang pana para laruin sa kanyang bahay bago mangyari ang insidente.

Facebook Comments