Lalaki sa Cordon, Isabela, Timbog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation!

26

Cordon, Isabela- Bagsak kulungan ang isang lalaki matapos itong madakip sa ikinasang drug buy bust operation ng kapulisan sa Brgy. Taringsing, Cordon, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Ruel Rivera, 39 anyos, at residente naman ng Baptists Village, Santiago City.

Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan ay naglunsad umano ng operasyon kontra iligal na droga ang drug enforcement unit ng PNP Cordon sa naturang barangay na nagresilta naman sa pagkakadakip ni Rivera.

Samanatala, nakuha naman mula sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng nakatuping papel na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana at isang piraso ng limang daang piso na ginamit naman bilang marked money.

Agad namang dinala ang suspek sa kustudiya ng kapulisan para sa kaukulang idokumentasyon habang inihahanda na rin ang kaso nitong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments