Lalaki sa Germany, hinuli matapos magtago ng ahas sa kanyang pantalon

Hinuli ang isang lalaki sa Germany matapos itong madiskubreng may tinatagong sawa sa kanyang pantalon.
Ayon sa mga pulis, hinuli ang 19-anyos na lalaki matapos itong makipagsigawan na bumulabog sa kanilang lugar. Matapos arestuhin, kinapkapan siya kung saan nadiskubre na may tinatago itong 14-inches na baby python sa kanyang pantalon.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga pulis kung may mga ilan pang nagmamay-ari ng mga endangered species na ito at kung may paglabag ba sa batas ng pagpepreserba ng mga naturang hayop.

Facebook Comments