Lalaki sa India, inoperahan matapos umanong ipasok sa ari ang charger ng cellphone

1617
(Unsplash)

Sumailalim sa matinding operasyon ang isang lalaki sa India matapos makaramdam ng labis na pananakit nang ipasok niya ang 2ft charger ng cellphone sa kanyang ari para umano masiyahan.


Ayon kay Dr. Walliul Islam, isang surgeon, sinubukan pang itago ng hindi pinangalanang lalaki ang tunay na dahilan ng pananakit ng ari nang magtungo raw siya sa ospital.

Una na raw niyang sinabi na mayroon siyang ipinasok na earphones dito.

Nang kumonsulta sa doktor, niresetahan daw siya ng laxatives ngunit matapos daw ang limang araw ay bumalik ito dahil sa kaparehong iniinda.

Saad ni Islam, kahit ilang beses na raw nilang sinubukang palabasin ang kable ay hindi sila nagtagumpay.

Dahil hindi umano nawawala ang iniindang pananakit ay nagpasya na silang isailalim siya sa surgery.

Habang isinasagawa ang operasyon ay wala raw silang natagpuang earphones sa kanyang bituka.




Nadiskubre lang nila ang itinatago ng lalaki nang makita sa X-ray ang charger ng cellphone na nasa loob na ng kanyang pantog at nakakonekta sa kanyang ari sa pamamagitan ng kanyang “urethra”.

Ayon sa naturang surgeon, marami raw siyang mga nababasang artikulo ukol sa mga taong nagpapasok ng kung anong kagamitan sa loob ng ari para sa “pansamantalang kasiyahan”.

Nakarekober naman ang lalaki at ani Islam, kung naging totoo lang siya ng mas maaga ay mas mabilis nawala ang kanyang iniindang sakit.

Facebook Comments