Inaresto ng kapulisan sa India ang isang lalaking pumapatay umano ng mga oso at kumakain sa mga ari nito bilang “pampagana”.
Ayon sa ulat, anim na taon nang pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Yarlen na gumamit na rin ng maraming alyas upang makaiwas.
Unang inaresto ang lalaki noong 2013 kaugnay ng pagpatay sa dalawang hayop na natagpuang wala ng ari sa Kanha National Park.
Isang taon nanatili sa kulungan si Yarlen bago makalaya matapos magpiyansa.
Sinabi ng Madhya Pradesh Forest Department na naniniwala ang tribong Pardhi-Behelia, kinabibilangan ng suspek, na aphrodisiac o nakapagpapataas ng libido ang ari ng mga sloth bear.
Ngunit ayon sa awtoridad, suspek din si Yarlen sa pangangaso at pagbebenta ng mga tigre sa India.
Nananatili sa kustodiya ng pulis ang suspek na inaresto noong Oktubre 19.
Itinuturing na iligal sa India, kabilang ang mga tribo, ang pangangaso bagaman patuloy pa rin ang mga ritwal na isinasagawa sa kakahuyan.