Lalaki sa Indonesia – hindi nahiwalay sa alagang tigre

Indonesia – “Dog is man’s bestfriend,” ito ang karaniwang pinaniniwalaan ng karamihan, pero naging usap-usapan ang isang Indonesian na imbis aso ang gawing bestfriend, isang Bengal tiger ang napusuan.

Si Abdullah Sholeh ay tinawag na “nanny” dahil sa pag-aalaga nito kay Mulan Jamillah, isang 400 pound na Bengal tiger.

Nagsimula lang daw ito nang i-donate ang 3 months old palang na tigre sa isang Islamic school dahil sa hindi na kayang alagaan pa ng may-ari nito.


Naging part time caretaker si Abdullah ng tigre pero habang tumatagal, nagkasundo ang mga ito.

Nabatid na maging sa pagtulog ay hindi raw ito mapaghiwalay.
DZXL558

Facebook Comments