LALAKI SA LINGAYEN, NAHULIAN NG MAHIGIT DALAWANG MILYONG PISONG HALAGA NG SHABU

Umaabot sa mahigit dalawang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki sa ikinasang Buy Bust Operation laban dito sa bayan ng Lingayen.
Ang suspek ay nakilalang si Jonathan Martin residente ng bayan ng Camiling lalawigan ng Tarlac at dati nang naaresto ng dalawang beses sa kasong may kinalaman sa illegal drugs at kabilang sa mga high value target ng mga otoridad.
Ikinasa ang Buy Bust Operation sa Brgy. Poblacion bayan ng Lingayen na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng limang malalaking plastic at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng aabot sa tatlong daang gramo na nagkakahalaga ng nasa ₱2, 040,000.00 Kasama pa ang ilang mga illegal drugs paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek para ito’y maibalik sa kulungan. |ifmnews
Facebook Comments