LALAKI SA MANGATAREM KALABOSO MATAPOS MAHULI SA AKTONG NAMBOBOSO NG NALILIGONG DALAGA

98

MANGATAREM, PANGASINAN – Kalaboso ang isang bente uno anyos na lalaki matapos itong mahuli sa aktong binobosohan ang isang naliligong dalaga sa bayan ng Mangatarem.

Ang suspek ay nakilalang si Ronel Catacutan, residente ng Barangay Olo Cacampusan sa nasabing bayan.


Sa imbestigasyon ng PNP, bisita sa isang birthday party ang suspek sa Barangay Torres First sa nasabing bayan kung saan ay nahuli ito sa aktong binobosohan ang kaanak ng nag-birthday.

Dito na kinastigo ng mga kaanak ng biktima ang suspek hanggang sa itawag sa PNP kung saan ay nahaharap na ito sa kaukulang kaso.

Facebook Comments