Lalaki sa QC, natagpuang nakabigti sa isang poste

581

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki habang nakabigti sa isang poste ng PLDT sa Brgy. Bungad, Quezon City noong madaling araw ng Martes, Abril 21.

Ayon sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), isang lalaki ang nakapagsumbong sa isang security guard ng lugar tungkol sa insidente.


Naka-duty raw noon si Arnold Deata sa West Wing Building nang lapitan siya ng hindi kilalang lalaki para ipaalam ang natagpuang patay na nakasabit sa poste.

Agad daw na nagtungo si Deata sa lugar kung saan tumambad ang nakasabit na bangkay sa poste ng telepono ng PLDT kung saan mayroong nakatali sa leeg nito.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa awtoridad ang nangyari kaya patuloy ang kanila umanong imbestigasyon sa naging motibo ng insidente.

Kasalukuyan pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.



Facebook Comments