LALAKI SA ROSALES, SUGATAN MATAPOS SAKSAKIN NG SAMURAI SA DIBDIB

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin sa dibdib ng kanyang kapitbahay gamit ang samurai sa Barangay Carmay East, Rosales, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon, nag-ugat ang insidente nang magkamali umano ng pakahulugan ang biktima sa pagtawag ng suspek sa kanyang aso, na plano lamang nitong pakainin.

Dahil dito, nagtangka umano ang biktima na pumasok sa bahay ng suspek habang may dalang kahoy.

Dumepensa naman ang suspek at nasaksak ang biktima sa dibdib matapos umanong magpumilit itong makapasok.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima, habang naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na posibleng maharap sa kasong frustrated homicide.

Facebook Comments