Lalaki sa Samar, patay matapos pagbabarilin habang natutulog

320

Nasawi ang isang lalaki mula Gandara, Samar matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.


Kinilala ang biktimang si Glenn Reyes, isang tsuper ng sidecar na noo’y natutulog sa terrace ng kanilang bahay nang mangyari ang krimen.

Sa report ng Samar Police Provincial Office, natutulog noong Lunes ang biktima sa terrace  matapos makipag-inuman sa kanyang mga kaanak.

Martes ng madaling araw nang maganap ang pamamaril ng hindi kilalang lalaki.

Alas sais na kinabukasan nang maipaalam ng kapatid ng biktima sa awtoridad ang insidente.

Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang may motibo ng pagpatay.

Facebook Comments