Lalaki sa San Manuel, Isabela, Arestado sa Pagdadala ng iligal na baril sa isang bar!

San Manuel, isabela- Arestado ang isang lalaki matapos makita na may dala-dalang baril sa isang videoke bar sa District 1, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Rudy Valez, singkwentay tres anyos at residente ng brgy Malasin, Aurora, Isabela.

Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, rumesponde agad ang mga kasapi ng PNP San Manuel matapos makatanggap ng tawag sa isang concerned citizen na may nakitang isang lalaki na may sukbit na baril habang nasa inuman.


Dito naaktuhan ng mga rumespondeng pulis ang nakatayong suspek at agad itong hinuli matapos walang maipakitang kaukulang dokumento sa baril.

Nakumpiska mula kay Valdez ang isang kalibre kwarentay singko na baril na may kasamang pitong bala.

Unang dinala sa pagamutan ang suspek para sa kanyang medical examination bago ito dalhin sa himpilan ng pulisya.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 si Micahel Valdez na nasa kustodiya na ng PNP.

Facebook Comments