Lalaki sa Santiago City, Patay sa Salpukan ng Motorsiklo at Sasakyan!

*Santiago City-* Patay sa pagamutan ang isang security guard matapos salpukin ng kotse ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng provincial road ng Balintocatoc, Santiago City.

Kinilala ang nasawi na si Joven Artillo, 37 anyos, may asawa, residente ng Diffun, Quirino habang ang suspek at drayber naman ng kotse ay si Cardemar Buguina, 35 anyos, may asawa at residente naman ng Tagga, Tuguegarao City.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, magkasalungat na binabaybay nina Artillo at Buguina ang nasabing lansangan nang umagaw sa linya ni Artillo si Buguina na dahilan ng kanilang salpukan.


Naisugod pa sa pagamutan si Artillo matapos magtamo ng mga sugat sa katawan subalit binawian din ito ng kanyang buhay.

Dinala naman sa himpilan ng Traffic Group-Santiago City si Cardemar Buguina para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments