LALAKI SA STA. BARBARA NA WALANG PAMBILI NG MAINTENANCE DAHIL SA DIABETES NITO, NAGPAKAMATAY

Nagpakamatay ang isang singkwentay siyete anyos na lalaki na sinasabing dumaranas ng matinding depresyon sa bayan ng Sta Barbara, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Roberto De Guzman, residente ng Brgy. Matik Matik sa nasabing bayan.

Nakita itong nakabigti sa bintana ng kanyang bahay gamit ang isang lubid na itinali sa leeg.


Napag alaman na dumaranas ng depresyon ang biktima dahil sa sakit nitong diabetes at problema din umano nito ang pambili ng kanyang maintenance.

Facebook Comments