Lalaki sa Thailand, binaril ang isang elepante habang nasa parke

302
(Photo by Chaiwat Satyaem)

PRACHUAP KHIRI KHAN, Thailand – Dinakip ang isang lalaki matapos paputukan ng baril ang isang mabangis na elepante sa Kni Buri National Park noong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Narong Arapakdi, 49, residente ng Moo 7 na naaktuhang may hawak na baril nang mangyari ang insidente.


Ayon kay Rakpong Boonyoi, chief ng naturang parke, dadalhin na sana ang elepante pabalik sa gubat matapos itong mapunta sa rubber plantation sa lugar.

Ngunit bigla umano silang nakarinig ng putok ng baril kung saan tumambad ang nakalatay na hayop at wala ng buhay.

Ayon sa suspek, ginawa niya umano ito bilang self-defense dahil papalapit daw sa kanya noon ang nasabing elepante.

Ngunit patuloy siyang idinala sa kustodiya ng pulisya para sumailalim sa ilang katanungan.




Una na siyang nasampahan ng reklamong having a firearm in possession without license at shooting to death a protective animal.

Samantala, naiulat naman na hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ang ganitong insidente.

Naireport din na nasa 15-20 taong-gulang na ang elepanteng binaril ng suspek.

Facebook Comments