Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Urdaneta City matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱6,800 sa isang buy-bust operation noong gabi ng Enero 7, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng Urdaneta City Police Station bandang alas-9:30 hanggang alas-10:00 ng gabi sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Sa operasyon, narekober mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na isang gramo.
Bukod sa ilegal na droga, nasamsam din ang ginamit na buy-bust money na ₱500, boodle money na ₱1,000, isang cellphone, at dalawang disposable lighter.
Isinagawa ang marking at imbentaryo ng mga ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga itinatakdang saksi at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa naarestong indibidwal.







