LALAKI SA URDANETA CITY, NAHULIHAN NG SHABU NA NAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT ₱200K SA BAHAY NITO

Aabot sa mahigit dalawang daang libong piso na halaga ng shabu ang kumpiskado sa bahay ng isang lalaki sa Urdaneta City.
Ang suspek ay nakilalang si Benjamin Bauzon trentay singko anyos at residente ng Brgy. Anonas sa nasabing Lungsod.
Nagkasa ng search warrant implementation ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng tatlumpung gramo at nagkakahalaga ng ₱204k.

Ayon sa impormasyon, sangkot sa iba’t ibang transaksyon ng Illegal drugs ang suspek na nag ooperate sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan.
Nauna na din itong naaresto noon sa Ibang kaso subalit na dismissed noong taong 2021. |ifmnews
Facebook Comments