Lalaki sa US, arestado matapos manloob habang naka-‘gorilla costume’

70
(Courtesy: Dawn.com)

Humaharap sa reklamong pagnanakaw ang isang lalaki mula Tennessee, US matapos mahuli ng isang residente na nanloob habang nakasuot pa ng “gorilla costume”.

Ayon sa report ng awtoridad, sa likuran ng bahay umano pumasok ang suspek na si Richard Muzick, 31, sa Nashville suburb ng Mt. Juliet noong Linggo ng hapon.


Nang makapasok na raw sa loob habang nakasuot ng gorilla suit, natakot daw nito ang isang 6-anyos na babae sa bahay hanggang sa nahuli ito ng isang residente mula sa likuran.

Agad na tumakbo palayo ang suspek ngunit inaresto ilang sandali matapos ang naganap na panghihimasok.

Samantala, lumalabas sa imbestigasyon na maling bahay daw ang napasok ng suspek sa pag-aakalang doon nakatira ang hinahanap.

Ilang kapitbahay din daw ang nakapag-ulat na mayroon din silang nakitang pagala-galang mga naka-gorilla costume noong Linggo.




Kaugnay nito, hindi pa rin malinaw kung bakit naka-costume ang lalaki at ang iba pang nagkalat sa lugar noong araw na iyon.

Facebook Comments