Lalaki sa US, naaktuhan habang nanghahalay ng mga kabayo

476
(Unsplash)

NORTH CAROLINA, USA – Nahuli sa akto ang isang lalaki habang tinatali ang tatlong kabayo saka hinalay sa isang horse-riding center sa Wilmington.

Sa ulat ng CBS News, naaktuhan ang suspek na si Michael Riego, 31, noong Huwebes habang nasa New Castle County Carousel Park sa Equestrian Center na tinatali ang binti ng mga naturang hayop saka ginawa ang panghahalay.


Ayon sa pulisya, hindi umano ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa parehong krimen si Riego.

Nakaraang taon ay nakuhanan sa camera ang pagpunta nito sa isang kamalig saka itinali ang 20-taong-gulang na hayop saka ito hinalay.

Kasunod nito ay ang ginawa niya namang pag-atake nito lang Abril na nakuhanan din habang may dala-dala pa siyang pagkain para sa kabayo saka sinimulan ang pangmomolestiya.

Sa ikatlong pagkakataon, naiulat na isang 17-taong-gulang na kabayo ang natagpuang sugatan at nahihirapan sa paghinga at sinasabing konektado ito sa naturang suspek.

Dahil dito ay humaharap sa “two counts of felony bestiality” at “two counts of felony burglary si Riego base sa Philadelphia Inquirer.




Samantala, kasalukuyan namang ginagamot ang mga kabayong nabiktima ng suspek.

Facebook Comments