Lalaki sa US, nagnakaw ng sasakyan dahil hinahabol umano ng dinosaurs

Muling inaresto ang isang kawatan mula Texas, US nang magnakaw ito ng isang sasakyan habang nasa isang dealership noong Linggo ng gabi.

Nang kumprontahin ng police officers, sinabi raw ng suspek na si Travis Huchton, 29, na naroon siya sa naturang park sa Wichita Falls para mag-pick up ng isang sasakyan para sa isang Audi dealership.

Nagsimulang maghinala ang mga ito nang bigla na lang daw sumigaw si Huchton at pinatakbo ang sasakyan nang hingan nila ng impormasyon.


Hinabol ng mga pulis ang suspek at kalauna’y inaresto nang patigilin nito ang kotse.

Ayon sa report ng news agency KJTL, naulit na raw ang kaparehong insidente isang taon na ang nakakalipas.

Inaresto rin noon si Huchton nang magnakaw ito ng isang Ford Fusion at itinakas ang sasakyan ngunit hindi nagtagumpay dahil nawalan umano ito ng gas.

Humingi raw ito ng tulong sa mga sasakyang nagdaraan at nang tanungin ay sinabi raw niyang hinahabol daw siya ng mga dinosaurs.

Muling nahatulan si Huchton ng kaparehong kaso at may kaukulang piyansang nagkakahalaga ng $3,500 o P176,029.

Facebook Comments